Ang "Marrying a Millionnaire" ay isang reality show set in France kunsaan walong babae ang magpapaligsahan para sa iisang lalake. The Bachelor ba ito? hinde. Isa itong koreanovela na may interesting na plot: Peke ang Milyonaryo at kasama sa contestants ang first love ng ‘Millionnaire’.
Bago pa man madiscover si Anthony ng TV Station, ay sikat na sya sa kababaihan at in fact, marami rin syang nakukuhang ‘love letters’ mula sa mga kaklase nya. Laking turnoff nga lang dito kay Philip Salvador-lookalike eh bubella si kuya. Yes, sagad-lupa ang grades nya at tanga kung sa tanga lang din naman (sabi nya nga eh magaling sya sa mga bagay na hindi na kailangang mag-isip.) to make things clear, hindi naman sya clumsy o stupid - mahina lang syang magmemorize, makaintindi at slow ang processing pero magaling naman sya sa mga pisikal na gawain (tulad ng…pangangabayo!) Nung bata pa si Anthony, nalala nya ang episode sa buhay nya na binawi ng mga girls ang love letter nila upon knowing na mahina nga ang ating bida. Actually, babawiin rin sana ni Joanna ang kanyang love letter pero dahil sa nababaitan din naman sya kay Anthony eh binigay pa rin nya ito (pero nagulat sya ng makita nya si Anthony nung binalikan nya yung sulat at nagpalusot na lang siguro…)
Present. Kailangan ni Joana ng pera at nilapitan nya si Anthony para sa tulong. Si Anthony naman ay walang permanenteng trabaho dahil sa mababa ang kanyang IQ. Nagkita sila ngunit pinaalala ni Joana na hindi na nya gusto si Anthony at dahil ‘pangit’ na ang tingin nya sa sarili nya. Sinabi pa nya na "kahit na ikaw pa ang pinakamatalinong tao o maging pinakamayamang lalake ay hindi parin kita magugustuhan!" (kahit na mejo ‘pilit’ ang pagkakasabi nya dito). Shock si Anthony pero dahil likas nga syang mabait at maunawain eh inintindi nya na lang ang kalagayan ni Joana na kapa pout pa at papaalis na sa eksena.
One day,nagdeliver si Anthony sa isang broadcasting corporation at presto! Meron na daw ‘Millionnaire’ at kilala nyo na kung sino yun. Si Gino ang overall in-charge sa production at pinagbigyan nyang magpaalam si Anthony sa mga mahal nito sa buhay - kasama si Joana. Sight ni Gino ang dalawa at napag-isipang isali ang dalaga kasama ang iba pang babaeng higit at milya milya ang ganda kesa sa kanya. Nagsimula na rin si Anthony na baguhin at pag-aralan ang pagiging mayaman (sa pamamagitan ng pagkakaroon ng 10,000,000 won check sa wallet…duh..wala rin silbi yun kase hindi naka-in cash.)
at dun na nagsimula ang drama. Maganda at interesting ang koreanovelang ito dahil para syang reality game na may script. Pinapakita rin sa drama na to ang nagyayari off-cam at very susceptible nga ang ganitong mga palabas sa agendas at manipulation (lalo na sa pag-eedit ng mga eksena na pwedeng ibahin ang totoong nagyayari for the sake of ratings and publicity.) Relevant itong panoorin lalo na at sumisikat ang mga ganitong ‘reality-based’ shows na ‘nagpapakita kuno’ ng totoong pagkatao ng mga indibidwal. Pwede talagang ibahin ang ‘image’ ng isang tao at pinipilim lang ang mga piling eksena na ‘controversial’ ‘emotional’ at higit sa lahat ‘entertaining’.
infairness, hindi ko na pinapanood at pinapatapos ang Coffee Prince para sa Marrying a Millionaire! kase mejo nawala na rin naman yung issue sa prince kaya dun ako sa interesting as-of-now. tska mas gusto ko yung kanta sa marrying, lalo na pag ipapakita na yung "abangan bukas" na part!