…even loneliness exists in paradise…
<

minsan sa isang kagubatang malayo, meyroong apat na magkakaibigan, si tupa, si isda, si buwaya at si bayawak. Kahit na iba iba ang kanilang paniniwala at prinsipyo sa buhay ay nagsasama pa rin sila. Minsan sa isang taon ay naglalakbay silang magkakasama at nanghuhuli ng makakain. Dahil sa parehong lamang tubig si isda at buwaya ay sabay silang lumangoy habang si tupa at bayawak ay naglalakad sa lupa. Isang araw, habang sila ay nanginginain ay nagibabaw ang pagkaganid ng mga kaibigan ni tupa at siya ay pinatay. Nagsalo ang 3 natitira sa nakahandang pagkain, ngunit dahil sa sadyang matakaw at makasarili ay napagkasunduan ni Buwaya at Bayawak na tapusin na ang pakikipagkaibigan nila kay isda; kinain rin nila ito.

Si Buwaya ang naghari sa katubigan samantalang si Bayawak ang namuno sa lupa. Sa paggamit ng dahas at lakas ay nakukuha ni Buwaya ang kanyang mga ninanais. Si Bayawak naman ay madalas na nagpapanggap na mabait sa simula ngunit ninanakawan rin nman ang kanyang mga kinakaibigan at sinasagpang ang kanilang leeg mula sa likuran.

Dumating ang panahon na hindi na nakuntento sa kanyang teritoryo ang malaking buwaya at umahon ito sa lupa. Sinimulan nyang lustayin at samantalahin lahat ng nasa paningin. Ngasab, lamon, lunok at higop ang kanyang ginawa sa maghapon at magdamag at tulog lamang ang pahinga. Nakita sya ni Bayawak na nasa kanyang teritoryo at tinangka niyang pabalikin sa tubig ang kanyang dating kaibigan na ngayon ay umaabuso naman pala sa kanyang likuran. Pinagsabihan nya ito na lumayo na at igalang ang teritoryo ng bawat isa. Ngunit bago pa man ito natapos magsalita ay hinampas na ni Buwaya ng kanyang buntot ang maliit na hayop at nilasap ang mga labi nito.

Naging masaya ang buwaya sa kanyang pag-iisa ngunit naisip nya sa saril, ‘anong mapapala ko sa aking pagsasarili? ano ang kapangyarihan kung walang nasasakupan? ano ang lakas kung walang inaapakan?’ bumalik sya sa lungga niya at inipon lahat ng gamit…

February 21st, 2008 at 8:25 pm