Ang episode 2 ng seryeng "Kwintas"
*Si Joseph…Corp Commander
As my parents left us sa receiving area, I was told by my adviser na
the program will start in 30 minutes. OK! May time pa ulit para
magpafresh. Pero bago yun ay isang libong beso beso yata muna sa mga
female classmates at school officials…..syempre para makita nila kung
ano ang hitsura ko pag nakaformal attire. Konting hi, hello, you look
good tonight…(lam nyo na)….exchange gift ng papuri…ehehehehe!After 10 minutes yata ng pakikpagbatian ay tinawag ako ng class vice
president na corp commander namin sa CAT….si Joseph….shit! ang pogi
nya sa suot nya na light blue motiffed na suit. Sabi nya samahan ko
daw sya sa CR para magayos….sa loob loob ko bakit ako pa!?!? Hmmmm……
bahala na nga.Doon kami nagpunta sa second floor para wala daw tao na makakita (ng
alin ba yun!?!? Syempre maang-maangan ako noon). Pag pasok sa CR ay
nagsalita agad si Seph ng: "Ikaw ba ang makakalaban ko sa pagka king
of the night??? Baka matalo ako nyan!" pabiro nyang sabi."Ay ang yabang! Hindi ata noh!" pahumble ko namang sagot. After nun
ay nagkatitigan kami ni Joseph…ewan ko ba parang nawala ako sa
katinuan nun…nalaman ko na lang na hinalikan nya ako ng madiin sa
labi habang hawak hawak nya ang balikat ko. Ako naman dahil shocked
ay hindi na nakalaban sa mainit nyang halik.Pero parang may mali, naisip ko.
"Alam mo namang matagal na akong may nararamdaman sayo, kaya di kita
pinahihirapan sa CAT trainings natin, ayaw kong nakikita ka na
nahihirapan, pero ang mas ayaw ko sa lahat ay pag kasama mo si Patt",
maluha-luha nyang sambit sa akin ng niyakap nya ako ng madiin."Seph! Alam mo naman na hindi pwede. Matagal na kami ni Patt…grade
five pa lang tayo nang maging kami….ikaw ang unang nakaalam kasi isa
ka sa mga pinakaclose sa aming dalawa" sagot ko naman sa kanya ng
tinanggal ko ang pagkakayakap nya at tinapik sa kanyang balikat."Kahit patago or m.u. lang papayag na ako..please…gusto ko kasing
maramdaman yung ginagawa nyo ni Patt…gusto kong maramdaman ang yakap
at halik mo sa araw-araw. Gusto ko ako ang tatawag sayo na bhe, gusto
ko ako ang kasabay mo sa pagkain, ang maghahatid sa iyo pauwi, gusto
ko ako na lang" pagmamakaawa nya.Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Patt na hinihingal at may
butil ng pawis sa noo. " I almost run searching around the whole
hotel, nandito ka lang pala. Kala ko nasa labas ka" ang sabi ni Patt
na napabuntong hininga at hinalikan ako sa noo. "Uy! Seph! Andito ka
rin pala" bati nya kay Joseph na tila ngayon lang nya napansin at
nagkamayan ang dalawa."La lang! Nagkukwentuhan lang kami ng bhe mo! O sige na Raf! I’ll
talk to you later" sabay tapik ni Seph sa balikat ko at lumabas na ng
CR. Hinatid ko na lang ng tingin si Joseph palabas ng pinto at ng
pagtingin ko kay Patt ay umiihi na ito sa isang urinal"Ang dami daming lugar na pwedeng pag-usapan bakit dito pa?"
pasarkastikong tanong ni Patt." Bhe naman! Selos lang yan….nagkataon lang na nandito rin sya"
pasinungaling kong sagot."O sige na malapit na magstart dun kana sa stage…I-announce mo na daw
na ihahanda na ang dinner" wika ni Patt ng papalabas na kami ng CR.
Habang naglalakad sa may hagdanan pababa ay pinisil ni Patt ang
matambok kong pwet. "Kelan ko kaya matitikman to!?" pangisi nyang
sinabi. "Sira ka talaga! Baka may makakita at mabuking pa tayo".
Imbes na sumagot ay hinalikan ako ni Patt sa pisngi sabay bulong ng I
love you. Haaayyyyy!!! PATRICK!!! Kung alam mo lang na matagal ko
nang gustong gawin yun.Nang nasa loob na kami ng hall ay doon ko lamang napagmasdan si
Patt….ang gwapo ng bhe ko! Naka black suit and pants at maroon na
polong panloob, terno kami ng damit pero ang panloob ko ay cream
colored polo. Corny pa nga yung suot niyang necktie…si Sylvester the
cat ang nakaprint sa necktie nya, ang neck tie ko naman ay simpleng
design lang……pero cute po ako sa suot ko.Naisip ko na ang dami na naming napagdaananan bilang magbest friend…
I’m sure mas madami pa kaming pagdadaanan bilang magboyfriend.So to cut the prom program….syempre una ang kainan, tapos lumamon ay
all eyes are on me na. Nakakakaba pala pag ganito. Naging host ako ng
isang special occasion while I’m still young, pero its worth
remembering. Although mainit sa mukha ang halogen bulb na spotlight
ay ok lang at tuloy ang dakdak at ngiti. Everytime na mapapatingin
ako sa kinauupuan ni Patt ay kikindatan nya ako…na sya namang
nakakapagpanerbyos sa akin lalo, pero nakakakilig pa rin. Nagtetext
pa nga sya sa aking ng "cute mo", "luv u" sa phone ko…buti na lang at
nakasilent profile ako. We all know na ang last part ng prom ay ang
pinakakaabangang dance portion….a mix of sweet and modern songs are
played.I removed my upper suit at nagpalit ng pantaas na polo. From cream
colored long sleeved na polo ay nagpalit ako ng mas comfy na light
blue short sleeved polo…para naman kitang kita ako sa dance floor.
Syempre…nandyan nung isayaw ko ang half of the female senior batch at
few from the junior level friends ko. Di syempre pwedeng palagpasin
ang co-host ko na si Princess…..while we were dancing….someone tapped
my shoulder twice…si Patt."Pwedeng ako naman?!?!?" So…I let go of Princess thinking na isasayaw
nya ang nakababatang kapatid nya….nagulat na lang ako ng nilagay ni
Patt ang kamay ko palibot sa leeg nya at ang kamay nya naman ay
around my waist at hinigpitan ng konti."Ano ka ba?!?! Pag nakita tayo ng school officials ay mapapagalitan
pa tayo. Tsaka nakakahiya sa iba" pairita kong salita."Bhe naman, ngayon lang natin magagawa to, last year nga hindi natin
to ginawa kasi ayaw mo. Isa pa alam na ng lahat ng students ang
relasyon natin. What are you worrying pa?" sagot nya ng malumanay.Eh! Eto na at nakapalupot na ang "asawa" ko kaya tuloy na lang ang
ligaya….sa totoo lang gusto ko ang ginagawa naming ito…kasi next
school year ay di na kami magpoprom kasi college na kami. (Yahoo!!!
Hehehehehe!!!)Habang igingagala ko ang paningin ko sa paligid kasi baka may
officials na makakita sa amin….ay sari-saring reaksyon ang nakikita
ko….nandyan si Maebelle na katabi namin at nagaaya na sya naman daw
ang isayaw ko, si Angeline na may gusto kay Patt at nagwawave ng
pointing finger nya na kunwari ay magsusumbong (sa loob-loob ko…
mamatay ka sa inggit…ehehehe!!!). Nang malipat ang paningin ko
malapit sa stage ay nakita ko si Joseph na nakayuko at mukhang
malungkot. Nang mapansin nya na nakatingin ako sa kanya ay ako naman
ang napayuko…parang may kung anong kumurot sa puso ko at nagsasabi na
pagbigyan ko daw si Seph kahit sandali…..may side din naman na
nagsasabi na wag daw at hindi pwede….ang gulo! Pero basta ang alam ko
ay mahal ko si Patt….siya lang.Patapos na ang sayawan…..lumapit sa kinauupuan namin si Seph…..nag-
aaya sya na sumama daw kami papunta sa kanila sa isang bahay nila sa
Dasmarinas, Cavite. Tutal alam ko naman ang papuntang Cavite ay
sumang-ayon na ako, ganon din si Patt, besides Saturday nun at walang
pasok sa Sunday. After naming magpaalam sa parents ko at ni Patt thru
text ay umalis na kami, ipasusundo na lang daw si Princess sa driver
nila Patt.
abangan ang mga susunod na pangyayari!