haay nako! narinig nyo na ba ang term na "Peer Pressure". yung feeling na kelangan mong sumunod sa trend para maging relevant ka and to become or stay "in"?. Natural lang naman yan, lalo na ngayon kunsaan maraming lumalabas na bago at uso, yung ilan "pinapauso" pa lang.
Gaya ng rubiks. Nagkaron na ng Rubiks Competition, rubiks society at rubiks instruction sa youtube! Sikat na sikat yan ngayon at hindi ka "matalino" kapag hindi mo kayang buuin kahit yung isang side lang o isang level ng colors. Sinasabi kase na ‘genius’ at ‘brillant, sparkling and shimmering’ brains lang ang kayang sumolve sa mathematical puzzle na to. Puzzle oo pero wiz ko gets asan yung mathematical (kesyo may formula daw yan, o merong designations para sa individual face…che! pag ginamitan ko ba ng calcu yan eh sadyang masosolve ko na yan?). Tska kung matalino ka eh matalino ka. Kung bookish ka, bookish ka. kung nabuo mo yung rubiks SO WHAT, i don’t get it eh kaya baka hindi ko ma feel yung drive na buuin sya (unlike sa mga compulsive rubiks afficionado na "nakakaramdam ng urge buuin ang isang unsolved rubiks"). Pag nabuo ko ba yan papasa ako sa Tax?
Another thing na uso ngayon ay ang computer games, specifically, DOTA. isa pa yan! dati counter strike. Tuwang tuwa ang mga tao sa "fire in the hole" at rakatak ng mga baril kahit na ang kapalit nun ay limpak-limpak na salapi (at kumakain na sa baon ng mga bagets..ayyyy, kaya ang ilan sa kanila ay nambabakla pa para lang masustentuhan ang bisyo!) Nag come-up rin ang mga computer shops ng ‘group promos’ encouraging group players na sabay-sabay magwaldas ng pera. infairness, effective. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na yan, naging Ragnarok (tuwang tuwa ang mga bagets habang kinakalaban ang isang ‘carrot’ at hinihiwa ng espada ang isang ‘teardrop’) at ngayon Dota (baka bukas, Perfect World na ang sikat). Nako Lalake, Babae, Tomboy at Bakla naho-hook at ginagawa ng alternative ang pagdo-dota sa lunch at inuman. Bonding ng mga guys ngayon e Dota. Lahat ata ng crush ko nagdodota, Si Adrian, Teglia, Jerusalem, Robin, Michael (kapitbahay) …ay hindi pala kasama si Romel dun. Pati nga si Robbie super "dota girl" na eh. I wonder tuloy kung magkakatuluyan kami ni crush kung matututo akong maglaro ng computer games. Ayan, nape-pressure na ko!
Last eh ang sudoku. wla lang, uso daw sya pero di ko feel ang kausohan nya. napapansin ko na yung ibang tao nagsu-sudoku pero dahil mas blatant ang connection nito sa math, idagdag mo pa ang fact na mukha syang crossword na may mga numbers, marami rin ang natatakot i-try ang sudoku. Ang trace lang siguro ng kasikatan nito eh ang proliferation ng mga Sudoku Mags at sudoku pages sa dyaryo at dividendazo (really?!) heheh.
Haay nako. Sabi nga ni Sandara Park (wer na u?) "in or out, am i in or out? (am i in or out)" siguro wla talagang attraction sakin ang rubiks, dota at sudoku at alam ko rin naman na ayaw nila saken. tanggap ko na yun. Kung nasa rubiks at sudoku rin naman ang batayn ng talino eh di BOBO ako! hehehe, kung nasa DOTA ba ang pag-ibig na hinahangad ko ehdi SINGLE ako!
golly, kelan ba mauuso ang blogging sa klase?