…even loneliness exists in paradise…
<

faux pas? come again?! isa lang ibig sabihin nyan, ang maling gawain sa pag-ibig. Ewan ko kung ano ang nasa isip nyo at hindi ko rin naman mata-type kaya ang isusulat ko na lang eh ang faux pas (foh-pah) na alam ko.

faux pas [foh pah]

–noun, plural faux pas
a slip or blunder in etiquette, manners, or conduct; an embarrassing social blunder or indiscretion.

Go to fullsize image

Ever wondered why many gays/bi/bitches/bastard are single ang finds it hard to hook or maybe never hooked anyone before (o baka naman short term lang ang relationships, usually lasting less than 3 hours or faster than you can say Andromeda Galaxy)? It may be because of the "Antayan Syndrome" wow, imbento! ehehe, eto yung feeling na "kelangan ako ang i-approach…all i have to do is stare him. Yun lang nman ang sign na kelangan nila para malamang I’m Interested diba?"  ang kadalasang nangyayari dito eh..wala. Yes dahil nagtititigan lang sila for the longest time hanggang magluha na ang mga mata nila. Ayaw nilang gumawa ng first move dahil, although alam nila na may chance, inaantay nila kung sino ang unang magre-react. They are afraid of rejection and of course, public humiliation. (ako yata to ah) ikaw ba naman kase, magagawa mo bang ma-mick up habang nasa LRT at tipong kilikili-to-kilikili ang siksikan? wiz!

Another thing, which is related to "Antayan Syndrome" ay ang "Superiority Complex". hmmm, iba ito sa kadalasan nyong nababasa sa Psychology books (dahil hindi pa napa-publish ang mga akda ko). In this situation, the person who entertains romantic advances feels that he is "adored""gratified""wanted" and "oh-so-hot" when reality tells him na "hoy, desperado lang talaga yan!". Yung mga nagsusuffer ng ganitong mentalk conditions eh yung mga taong ang tingin sa sarili nila ay uber ganda na sila dahil may nagpadala ng flowers, o kya nman sa tingin nya eh pinipilahan sya ng mga lalake (siguro nga, pero mga boy, kargador at janitor naman yung aura…ooy, walang belittlement don ha). Sila yung mga taong pakiramdam nila eh pang cosmo na yung level nila dahil lang sa inalok sila ng isang matandang makati ng 100 bilang "booking fee". Ang masama pa dito, kapag inapproach nga sya eh pumapasok sa isip nya na "this guy is dying for me". Leche.

Ang 3rd love faux pas (or more aptly called "psychological conditions for the sexually confunded") ay ang "santo effect", Santo which means "gusto nyang inaalayan sya". Nandito yung mga tao na tuwang-tuwa na nagpapaasa sila ng suitors (ehem), ipinagmamalaki na nililigawan sya(ehem EHEM!) at pumapasok sa relation for display purposes (ayy hindi na ako yan…single ako e). Gusto nila na pina-flatter sila with words ang gifts pero madali namang natatapos ang kanilang pantasya dahil sooner or later ay malalaman ni suitor na ginagamit lang sila kaya ang usual ending eh lumalarga si daddy.

haaay, sakit ng ulo ko…yan talaga ang nangyayari kapag pinupwersa ang sarili na mag-isip at alalahanin ang lahat ng mga karanasan. OO nga at guilty ako of these "faux pas" pero gusto ko ring mag-change image na para hindi na ako kinakarma at baka tumandang baklola.

Tips para magbago? aba malay!? im not a psychology!

February 24th, 2008 at 4:57 am