"ang pag-ibig ay corny" sabi nga sa My Lovely Sam Soon. Kapag napansin mo na gumagawa ka na ng mga corning bagay (na malamang ay pagtawanan mo pag naaalala mo na pagbalik sa katinuan) eh malamang sa malamang ay swak na swak ka sa lababo.
Ano nga ba ang masasamang senyales na ito at bakit ito mahalagang malaman? wala lang. Gusto ko lang mag post ngayon sa blog ko dahil nagpanggap ako na may pasok kahit wala naman talaga. Tska malamang ay di kayo makarelate dahil as usual eh base ito sa personal na experience ng yours truly (kunsabagay, mababa lang naman ang viewership ng blog na ito). For one, mahalaga sigurong malaman ito para maunawaan mo ang sarili; ano yung dapat mong gawin para matikman makamtan ang iyong iniirog. Idagdag mo pa kung ikaw ay nasa isang illicit relationship at kelangan mong itago sa iyong partner na ikaw ay may bagong kinahuhumalingan; dahil alam mo na ang senyales eh ico-cover mo ito at iiwasan ipakita sa madlang public!
pero kung susundin mo nga ito eh walang mangayayari sa buhay mo (dahil so far eh wala pang nagyayari saken). Anyways, depende rin naman sa isang tao kung paano nya mapapakawalan ang nararamdaman nya sa loob (libog lang yan love na yan…)
1. Madalas mo syang makita - isa lang ang ibig sabihin nito; may auto-focus ang mata mo. Kahit wiz mo xa kilala o mukha nya lang naalala mo, kusang mapi-pickup kaagad ng mata mo ang coordinates ng taong ito. syempre magtataka ka kung bakit ganon ‘nay. Alam nyo naman na "out of sight, out of mind" na salawikain deba…yung kabaliktaran nun ang gagana sa yo, bale "insight, in mind" wow! imbento!
2. Curiosity - destiny ba na palagi syang dumadaan habang nagtitinga ka? destiny rin ba ang dahilan kung bakit nagkakabungguan keo sa cr (o pag-sight mo sa kabilang urinal eh noches sya ang mavi-view mo..ayy bastos!)? Magsisimula kang gumawa ng report sa taong ito - nanjan ang kakilala interview (kung kaklase ba sya ng kaibigan mo na naki-seat-in sa ex-boyfrien ng bestfriend mo na kagalit mo ngayon?) at kung mas malupit ka pa sa ordinaryong tao eh hahanapin mo yung form 138 at 137 nya sa registrar (at baka malaman mo pa na repeater sya nung 3rd year hs!). Magsisimula ka na ring magsearch sa Friendster, Myspace at nagdadasal ka na makita mo ang profile nya sa Downelink at Fabuloush na "single" ang status! Besides, we’re no more than 6 degrees separated (pero wag namang 1st degree at baka kapatid mo pla yan o magulang na..)
3. Stalking - Alam mo na na sya si Romel Atienza Villanueva na nasa Einstein section at nag-aral sa same highschool ni Jayse Tarroquin at dati silang nagaroling para ipaghanda sya ng Birthday Party at onetime nag-overnight sa iisang kwarto. Napag-alaman mo rin ang kanyang nakaraan kunsaan allegedly ay nagkaroon sya ng isang gay bestfriend na tinuring syang jowa at nalaman rin naman sa section nila at hindi na nga malayo ang posibilidad na tanggapin rin naman sila eventually. Alam mo rin ang kanyang roots from Batangas at ang masama nyang karanasan sa mga magulang nya at ang nangyari sa kanila ng kanyang pinsan na pinatawad nya na rin naman sa kahalayang ginawa sa kanya at ngayon ay miembro ng VCCF-I na may church sa Espana at aktibo sa mga Bible study. Kaibigan mo rin ang kanyang ex girlfriend and so on and so forth pa ang alam mo. Thanks to your connections at pwede mo nang isulat ang biography ng crush mo. Asan dito ang tungkol sa stalking? next paragraph na at mejo mahaba sya, infairness.
stalker ang tawag sayo kung sinusundan mo sya para lang panoorin sya sa malayo at makuntento na sa pagbuntong-hiniga everytime na magtataas sya ng tshirt o iiminom ng tubig (with tilamsik effect pa na pang nang-seseduce!) Meron ka na ring nakahandang cellphone na naka-on ang camera at naka-silent ang shutter in case na gusto mong maalala mo ang sweet moments na ito…hmmm!~ im guilty hah! As in sa pagiging stalker mo eh meron ka nang "route" at "agenda" nya sa araw-araw at parang may kopya ka na rin ng kanyang Reg Form. Malamang sa hindi ay alam mo na ang kanyang bahay, cellphone, height, weight, interests, fave subject, most embarassing moment at definition nya ng crush.
4. Daydreaming - kapag ikaw ay sumakay sa jeep at nang mag-abot ka ng bayad eh panasin mo na mejo hawig ni crush ang driver, ay malala na yan. stage 4 na ng Dengue yan dahil naghahalucinate ka na. Nagiging uberconscious ka at kelangang maging unknown ang iyong identity as his stalker o patay na patay ka sa kanya (pwedeng magkakilala kayo o convinient acquaintaces pero ayaw mong ipaalam na dedalu ka kay daddy!). Kapag vacant naman o nagbigay na ng lesson si Prof, titingin ka sa field at kahit nasa canteen pa sya ay nakikita mo na kumakain at iimaginine mo na ikaw yung serbedora at pagsisilbihan mo sya na parang asawa lang. Itatapon mo ng kaunti ang patis sa polo nya para mapunasan ang kanyang damit at masagi man salang ang kanyang kamay, braso,siko, dibdib,leeg,ilong,hita, tyan o kunsaan mo man sya gustong salisihan. Mag-iisip ka ng naughty at tutulo na lang ang laway mo sa notebook mo at maglalawa ito at tatagos sa susunod na 5 pages. Ito na nga ang tinatawag na daydreaming.
5. Ang point of make or break - Sasabihin mo sa sarili mo "Bakit ako ang first move?!" at ijujustify at iwe-weigh mo ang chances kung magco-confess ka o hindi, ano ang methods of confession at ang details nito - saan, kailan at paano!? This is it na nga! magiging paranoid ka sa mga kasama nya at pag-iisipan mo na bawat kasama nyang kumain o umuwi eh boyfriend na or on the other hand ay nakikipag liptolella na sya, necking at halos mag-sex na sa harap mo eh dedma ka lang at iisiping "friend lang sya non" dahil gusto mo ngang i up ang chances mo na maging keo. Gagawa ka ng forecasts at magbabasa ka ng horoscopes kung swerte ba ang iyong kapalaran sa pag-ibig o hindi. maghahanap ka ng timing and at the same time eh maghahanda ka na ng budget para sa gift (token!?) for the first date at hopefully, first "score"…depende kung ano ang goal mo that moment.
Parang wlang nabanggit sa pagiging corny noh…parang hindi nga rin tugma yung opening sa body eh. Not to mention mejo iba-iba ang example at hindi iisa lamang throughout the post but nevertheless..it boils down to one thing; ang panliligaw ay parang pag-aaply ng trabaho - hindi ka matatanggap kung hindi ikaw ang hinahanap, hindi ka matatanggap kung hindi mo kaya ang gawain at matatanggap ka lang at magtatagal kung gusto mo talaga ang ginagawa mo (buti na lang at umattend ako ng "career planning" seminar!)