…even loneliness exists in paradise…
<

Go to fullsize image Go to fullsize image      Go to fullsize image Go to fullsize image

alam ko naman na "average" lang naman ang itsura ko. napaka "common" at walang special features gaya ng "pointed nose" (pango nga eh) "tantalizing eyes" (mejo di pantay mata ko, really) at "chiseled jaw" (wla akong panga’t baba…penge naman jan, toni!) Sa pangangatawan naman ay payat ang lampa..hindi delicious at hipon (pero ang performance…hmmm!). At hindi ko rin naman alam ang dapat gawin kung ano ang mga procedures para ma enhance ang aking mukha, more so kung balak kong magparetoke! Pera! Pera!

so kung pangit ang mukha mo at wala kang datung (na pambili ng Chevrolet, Powerbook at N95) para iligtas ang iyong pagkatao, ang mabuti nalang na gawin ay pagandahin ang ugali. Attitude Overhaul, "Make Under" in other words.

Ako yung taong naniniwala na wala talaga sa mukha ang basehan para maging kaibigan o kaïbigan ang isang tao. Meron nga jan, gwapo, mabango, matangkad tska mayaman pero ang ugali parang hiniram sa Baseco Compound! yung iba nga presentable at arm candy pero super plastik na kahit "homies" nya eh pinaplastik pa nya para lang "i boost" ang sarili. Talo sila ng mukhang basurero at naka-sando lang pero "busilak ang kalooban" (huh?)

"he who can lie to himself is lonely". Nakalimutan ko kung saan ko to napulot na jdrama, but its awfully true. Sure, we can say that sampu ang nanliligaw sayo, that you’ve had 100 boyfriends before or you can memorize the enclopedia..hell! Siguro some people are willing to buy them..but not me! o kahit naman mapaniwala mo ako, mapapaniwala mo ba lahat, pati sarili mo?  In contrast, i totally disagree with Carol Banawa sa kanyang ni-revive na kantang Ocean Deep. "Dreaming is as good as reality"! such a sweet lie! nakakainis pero para sa mga taong katulad ko na kulay green at kulobot (ampalaya..bitter ika nga), ito na yung naging hobby namen. Puro "what ifs" yung nasa utak…"sana kinausap ko sya" "buying signal na pero nagdalawang isip pa ako" "ano kaya ang nangyari kung…" yung mga ganyang linya. Napaka hopless no?

Isa pang Pansagip Mukha eh ang pagmamaliit sa iba…o kya nmn kinocompare mo yung sarili mo vesus the worst trat of others. Sabi nga ni Jollibee, kesyo "Papansin si Omni" "bobo si Celoso" "mayabang si Sponsor na kamukha daw ni Aubrey Miles na asan na nga ba..?". sa ganung pamamaraan eh sinisira ni Jollibee ang sarili nya at hindi ang iba. sa sobrang claim nya na payat sya eh lalo tuloy syang tumataba. Another thing is lagi nateng jinujustify ang sarili against others’ worst trait. Okay lang bang sabihen ka "hindi naman ako sing tamad ni Vic" o "Erwin"…ineexcuse lang naten ang sarili naten deba? (infairness, nakakaluwag ng damdamin ang practice na ito).

So ano ang point ko sa post na ito? Mahalaga ang mukha pero hindi ito lahat; hindi nakikita ng iba ang nakikita mo sa salamin…naiinis lang ako dahil hindi ako magandang maganda pero sa twing iniisip ko yung mga taong "pangit in and out" gumagaan ang pakiramdam ko (hehehe…). Sana lang eh bawiin nila sa ugali. Hindi dahil sa maganda ang labas eh papangitin na ang ugali. Dapat balance..hindi lahat ng kapintasan eh nasa mukha…kadalasan, mas maraming mapupuna sa ugali.

ano ba mas mahalaga?

February 28th, 2008 at 3:04 am