hehe, abnormal talaga ang 4′11 na pangulo ng pinas! ibenta ba naman ang spratlys sa mga inchek!? nako, pano ba yan…lalong yayaman ang mga intsik at kalahi ni kim chiu at ang mga gawa sa pilipinas ay matatatakan na rin ng "made in china"! its all over primetime news na nagkaroon ng joint effort ang pilipinas, china at vietnam to conduct an "oil exploration" chuchu sa spratlys (where in fact nasa territory na ng palawan ang mga kapatid ni daomingze). Tripartite at ang china ang maguguna sa data collection o exploration ata..then yung vietnam sa processing ng data (translation from chinese to vietnamese?) at ang pinas ang bahala sa analysis (translation na rin from vietnamese to tagalog…kelangan natin ang powers ni Janina San Miguel ditrak!) Balak ata ni Gloria na gayahin ang korupsyon na sinimulan ni Meldita…kaya kaya!? witz! baket?! compare the cheeckbones…debah!? alang panama si GMA?!
For 8 billion dollars na loan ito ng china sa pilipinas…oops! san napunta ang billiones?! sa zte daw! hindi naman lahat…mga kalahati sa first couple. merong pang rehabilitation ng southrail eh na mas mataas pa ang contract price kesa sa zte…na 130 Million Dollars lang ata ang total kickbak! aba nung bata ako pa-piso-piso lang kickbak ko! bad girl gloria needs some spanking!
actually, napapaisip nga ako..lately, parang wala na akong nakikitang "made in RP" na produkto…from food, to clothing…DVD’s…ah alam ko na! yung sardinas na 555 sa pinas gawa yun! at ang bagoong! hmm from my birthplace, Malabon! kahit mukhang isda mga citizens dito eh naaa-preciate ko naman sila (wag lang silang magkahasang!)
hehe, so kelangan talaga ni madam president ang divine guidance ngayon. mukha namang nasagot ang prayers ni GMA dahil no support ang mga priests of cebu at visayas as a whole narin sa ginagawang tour ni J.LO (Jun Lozada gets loud and dirrty! ah, oh yeah!) At eto ka! sa news kanina eh pinanawagan na "ipagdasal din ang mga government officials" sheeet! ayoko nga! Pati kaya mga pari nasusuhulan!? Hmmm!
hindi katulad ng panahon ng mga prayle na mga alagad ng simbahan ang corrupt at kayang ipagdasal ang sarili, full time jobs na ng mga officials ang pangungurakot! no break! maliban sa paggo-golf sa intramuros at wack-wack na nakakatama na ng mga pedestrian! defotah! Haaay nako! kahit mga santo pa magdasal wa epek at eto ka..pag nakita nyo si GMA sa langit…isa lang ibig sabihn nyan!
HINDI NA USO ANG IMPYERNO!
o baka naman tumatanggap na rin ng suhol na patuka si San Pedro! hahahay! iba ang currency nila sa langit! tanong nyo ke Luffy!