haay nako, hanggang kelan kaya ako mamalasin sa mga callcenter? Well, nag-aaply nga ulit ako ngayon pero nag-aply na rin ako before pero walang pinasa! nada! cipher! wit! Puro Final Interview lang talaga ako nun (ang masama pa nun, umaabot ako ng 3 araw sa pag-aaply tapos sa 3rd day sasabihin nila "we need full timers") Yes, oo, part time, summer job lang kase ang hanap ko nun. Nothing biggie dahil meron ngang "bonds" ang ganitong mga kumpanya.
winner! hehe!yung IBM, SYKES, TeleCenter at Convergys nakaabot ako jan sa Final Interview, nagkaron lng ng problema sa scheduling dahil nag-aaral pa ako and they need fulltimers nga. For training na ako sa Syntegraltech, kaya nga lang finals namin sa FinMan nun, kaya ang call time na 1pm sa Sta. Mesa ay nauwi sa gudlak! Accenture naman kamakailan ko lang inaplayan lang, this 4th year na at hanggang ‘video interview’ lang ako…sosyal! mukha akong VJ nun at super lamig ng aircon. Sa Gateway ang office nila pero OK lang! super sulit! Bakit sulit? Nako, merong libreng Wendy’s Chicken Burger at Cola…Ice Tea all you want pa! at heto ka…Nanalo ako sa Accenture ng Free 2 Tickets to The Beyonce Experience at The Fort! (na muntik pang maudlot!) kaya kahit na hindi man ako nakaabot sa Final Interview at hindi natuloy sa Conference…super sulit namang tunay ang application sa Accenture! (hindi katulad sa Stellar..hmpf!)
Ngayon..ang paghihiganti ko sa mga nagdeny sakin! Eto na ako! Sandali, may natira pa bang pwedeng applyan?

