Nanuod ako last..what, monday ba un tungkol sa "Lenten Special" ng Noypi, isang late-night program sa Channel 2. Dahil sa hindi pa tapos manuod ng Neon Genesis Evangelion ang bru ko sa kwarto, nakuntento muna akong manuod ng nasabing programa sa aming sala (wholesome naman e)
Isang segment nila dun ay ang "Pera o Pananampalataya". Hmm, the deal? meron silang kasabwat na mag-aalok ng 2,000 pesos kung kayang sabihin ng ordinaryong noypi na "walang Diyos". Aba, akalain mo bang marami din palang maprinsipyo hanggang ngayon na never say never sa pananampalataya kahit sa halagang 2k! Merong Tindero ng Ibon sa Quiapo, Tambay, Sekyu sa Intramuros (in Gwardiya Sibil outfit) and others. Pero of course, meron din namang bumigay. Dun sa na-air ay 2 lang; isang tindero sa Quiapo at Mga Estudyante ng MAPUA Intramuros! ehhh…jinustify naman nila na "sabi lang" naman yung deal, pero sa pananampalataya, Katoliko paren sila.
Next segement, "Ako si Jesus"…stupid noh? Merong kasabwat na lalapit sa mga biktima at sasabihing "Ako si Jesus"..syempre karamihan nawindang! Maraming hindi naniwala of course, pero ang surprising eh…may naniwala! At meron pang nagpagamot! Nako…
ano significance nito? wala lang..para masabi lang na may lenten special!…Hmm, para malaman kung matatag parin ang paniniwala ng mga pinoy sa Diyos at kahit naman hindi na sila umarkila ng mga "psychologists" na napaka-predictable ng sasabihin (you can almost tell their next explanation regarding the situation…parang "i knew it he’s going to say that!"). Kung ako angoofferan ng 2k para sabihing "walang Diyos" of course gagawin ko yun, sasabihin langn naman deba…yung mga artista nga kung ano-ano sinasabi eh, para din sa pera yun ah…and the fact that it’s not coming from the heart, feeling ko acceptable na yun (although bilib ako sa mga kayang tumaggi) at kung may lalapit sakin na sasabihin "Ako si Jesus"…kuya, "Ako naman si Judas…because God knows Hudas not pay!"
…napredict mong sasdabihin ko yon?!
