maliban sa fact na "sinking" city sya…actually iniisip ko nga kung ano ang mas mabilis umakyat eh..ang sea level ba dulot ng Global Warming o yung pagtaas ng kalsada sa Malabon, actually yung ibang bahay nga binabaha eh, pero tuyong tuyo ang kalsada dahil mas mataas ng di hamak ang kalsada kesa sa mga bahay…sunken garden na nga yung basketball court sa tapat ng bahay namen eh, dahil once na pinataasan yun eh lulubog na ang mga bahay sa tapat ng court!
Anyways, although ang initial reaction ko sa Malabon eh chaka, (eh sa mukhang rugby boys naman talaga karamihan sa kanila e!) ngayon naaapreciate ko na ang Longos! Meron din namang mga gwapo! delicious! galante! sosyal at magaganda! ang mga tomboy, gwapo! ang mga lalake (kahit mukhang palaka) delicious din nman! at yung mga gwapo, gwapo talaga! kahit yung mga bata, pwede na rin! Super accessible din naman sha…may malapit na mall (Malabon Citysquare) ang school, isang tumbling lang! merong preschool, elementary, highschool at college sa labasan lang ng eskenita namen! may hospital at isang sakay lang papuntang Bayan at Malabon City Hall!
ang problema lang talaga eh yung tatay ko…dahil maraming rumerespeto sa kanya. Sa Malabon kasi, hindi ka identified sa pangalan mo, kinikilala ka kung sino mga magulang mo, kung kaninong anak ka. At sa sitwasyon ng tatay ko…na halos inaanak lahat ng bata (shempre nung buhay pa sha) at may kakilala hanggang kabilang estero, aba parang sakin pa nakasalalay ang maganda nyang pangalan! Nakakahiya daw kung ngayon pa madudungisan ang pangalan ng tatay ko…na nagspo-sponsor ng liga! na nagpapasemento ng court! na may 2 bahay sa tapat ng court (prime lot na yun ah!)
Minsan nga nakipag-inuman ako sa friend ko, birthday! debut!…at dun ko lang nalaman na inaanak pala ng tatay ko ang kapatid ng debutante…at na-associate pa ako sa isa sa mga talyer boys namen na…"nako tagilid tayo jan, ,may lahi pala kayong berde!"..leche sa itchura nya never ko syang ibo-book!
basically yun lang naman…napaka-inconvenient no…na kalilipat lang namin dun nung 2006 eh nalaman ko na dun pala ako pinanganak…na lahat ng ninang at ninong ko doon nakatira (as if namang may pamasko pa eh mas mayaman naman kame dun..) na kilala ako ng mga taong hindi ko kilala at sasabihin nilang "malaki ka na pala" "ke gwapong bata naman..ehem"…ayyy scary deba! mejo creepy!
so sana lang talaga eh hindi ganun kagaling makisama ang tatay ko, para naman walang kiyemeng makipaglandian sa boys na walang inaalalang reputasyon! hehe!
pero kelangan talaga yan…diba ‘tay?!

