actually, wala naman talaga akong pakelam kesyo si Claudine Baretto ang bagong ‘Vilma Santos’ (dahil ba yan sa pagiging co-star ni Clau sa "Anak"?) pero ang dahilan kung bakit excited (at baka panoorin ko pa) ang maligno ay dahil kay Rafael Rosell! Bakit? dahil nagulat ako na nagkaroon ng butt exposure on national tv! Shempre kanino pa ba?! ehdi hindi ako nakatulog ng matino at hindi napalagay ang aking isip sa aking nakita, kaya ako ay nag-imbestiga….asa pa ako na makikita ko uli yung trailer no…
well, confirmed nga na si Rafael talaga ang gumawa ng daring scene na yon na supposedly nagkaroon ng ‘rape scene’ between him ang claudine, a news reporter. kumuha ng body double si claudine (dahil ba malisyosa sha…o baka nman totohanin niya ang eksena!?) pero si Rafael talaga ang nagpakitang ‘gilas’…pinalabas ang full length trailer nito sa isang press conference at ang sabi ng columnist ng Bulgar:
"kung mabilis ang mata ninyo eh makikita nyo ang notes ni Rafael" to the same effect dahil wiz nga gumamit ng plaster or anything (syempre tuwang-tuwa si Wenn Deramas). Sabi naman ni Rafael eh professional naman daw silang lahat kaya trust daw syang mag bare-all sa tapat ng camera…ows…
o sha, nakita ko narin naman ang likuran ni RRIV eh, pero ang notes nya..that’s something new!
grr…wala sa trailer nito yung butt exposure ni Rafael! nakakaines! hehe!