Hindi ko na to kaya..hindi na ako makapaghintay! Ang pangarap kong cellphone…isang linggo nalang! mabibili ko na sa friday! ang ninakaw saking cellphone (well, sort of..)…ang P910i!
ayan..ang social nya! ang laki ng screen! touchscreen! ang pinakamababang quated price ay P4,500 sa Isetann!
actually, 2004 pa nilaunch ang cellphone na ito, with a pricetag of $700 dollars..ngayon, after 4 years, bumagsak na ng halos 80% ang presyo nito! Bakit nga ba gustong-gusto ko ng cellphone na to, eh talbog naman ito compared sa P990i, P1 o SE Experia?
pros:
-anlaki ng screen! kahit na mababa ang resolution nya (at 208 x 320) sulit kase pwede ka pang mag super zoom ng hindi nababasag ang pixels! kase ang ibang fones ngayon eh 2" lang eh 240 x 320 na kaagad kaya crisp daw…para sakin okay na to, at 3.5" kitang kita lahat!
- easy to use! ang P990i masyadong bulky! hindi pa comfortable ang 2 keypad! ang P1, awkward! andaming characters sa iisang key! eto 2 keypad na baliktaran!
- open-OS! previous software for P800, P900 ay gumagana rin sa P910! hindi katulad ng proprietary softwares sa P990! marami ka nang pagpipilian - games at apps! meron ring themes at Adobe Photoshop 2.0!
- mura! at 4,500, why not! ang pinaka-murang P990 eh 7,500…wala pa yung primary keypad nya, QWERTY board kaagad! ang P1 naman eh 13,500…ehdi sana Treo 750 nalang binili ko no!
pero obviously, maraming feature narin ng p910i ang napag-iwanan:
-walang FM Radio
-VGA Camera (no zoom)
-slow processor
pero nagpe-play ba ng japanese songs sa radyo? hindi! para saan pa ang digicam kung sa cellphone din ako aasa! tska oneday bibili rin ako ng laptop kaya okay na ang processing speed nito (kahit mejo nag la-lag talaga!) hindi rin naman to madaling kapitan ng virus!
yun lang, hopefully, makakabili ako nito come friday! sana lang ma-certify na ako by then at most importantly…kasya ang sweldo ko!