…even loneliness exists in paradise…
<

                             Buko/Markda who itong kayakap ni kaika?!

ano ang nagbalik? si mark…nagbabalik! hindi ko na kasi sya pinapansin dati (read: i don’t do drama) pero since binati nya ako nung birthday ko, ehdi ako naman super reply at friendly friends na uli kami. Tutal naman sya na ang unang nag text (wla akong number nya, ayokong hingin at hindi rin nman ako pala-text na tao) may i open-up narin kung bakit nya ako dinelete sa multiply! Super reply ang lolo mo, at umaaatikabong drama ang nabasa ko (kesyo di ko daw ma-unawaan photography nya…who cares…kahit nga si Ude walang say eh..nagkataon na nabasa rin ni viva ang text at super agree na andrama nga ng reply!).

Lately napapadalas na rin ang pagtetext namin, pero walang malisya (sayang!) at shempre, about photography na naman at hindi ko maarok ang takbo ng isip nya, im trying hard na talaga pero wla talaga eh..dati interesado talaga ako sa photography and buying myself a good camera, napagchichikahan narin namin to dati para sa mga AniCon eh makakapag shoot kami ng cosplayers. Pero dahil nakilala ko si mark…parang mas gusto ko na lang matuto ng piano instead of photography! hehehe…

                  the grapher daw daigakusen

speaking of photography, one morning inaya ako ni Mark na sumama sa photoshoot nya with Kaika. Supposedly sa Enchanted Kingdom ang setting pero dahil sarado ang theme park (holiday kuno) sa Fort Santiago nalang kami natuloy. How…how…de kalabaw! Like 4 years akong nag-aral sa PLM at nalibot ko na ang buong Intramuros, and nagkaroon pa kami ng lesson for Fort Santiago at heto ako, nakasakay sa Kalesa at nagtu-tour sa Intramuros! Wow naman…hehe, infairness maganda talaga ang PLM at di mo masasabing public university ito..mukhang pinagkagastusan!

Nagsimula ang trip namin sa Manila Cathedral at mas marami than usual ang mga photographers na nakakalat…sarado ang San Agustin Church kaya sa may Galeria Andrea ang pinuntahan namin para mag shoot…sabay dating ng mga gwardya sibil para singilin kami ng permit (or locally known as ‘lagay’) ehdi may i excuse kami na tourist kami, complete with Kalesa talaga…hmpf, we toured the whole intramuros, i think (pero syempre hindi namin pinuntahan yung shabu tiangge sa Intramuros! hehe) at here we go Fort Santiago.

Wala namang bago sa Fort Santiago…ganun parin, pati yung leaflets! Mejo nakakailang lang yung photoshoot kasi it requires “sweet” moments at di ko matake na tinitignan sila ng mga tao! mejo scandalous! Syempre, ako ang butihing alalay na tagabuhat ng bag at tagapunas ng pawis ni Mark, na akala nya natutuwa akong gawin…haaay…. after that pumunta kaming ChinaTown at siningil kami ng Kutsero ng…ng…2700?! Puta! Mayaman si Kaika pero kahit sya nag-object! to make the long tawaran short, we paid 1800…hmmmpf, hindi sulit! bungi pa yung kutsero! tae pa ng tae yung kabayo!

At ang chinatown ang huling destinasyon, dahil nag runaway drama nanaman ako dahil sa nag-away kami ni mark dahil sa isang pulubi. As usual, nagsagutan kami at ako nanaman ang mali, kaya instead na makisama ako sa kanya eh nagpaalam na lang ako kay Kaika sabay takbo! as in running! nasa Plaza narin naman kami at malapit lang ang Divisoria, in about 30 mins nasa bahay na ako!

O diba, kababati lang namin eh nag-away nanaman kami?! Pero nag text naman sya bago matapos ang gabi kaya okay naring pakunswelo yun…may part 2 pa naman ang photoshoot eh.

June 12th, 2008 at 2:12 am