…even loneliness exists in paradise…
<

                                            

totoo kayang natutupad ang birthday wishes? dahil kung magkaganun man, tinodo ko na yun sa birthday ko! hehe, pero shempre, hindi naman ako si Bruce Almighty (God knows kung ano mangyayari kung ako nagkaroon ng powers!) kaya simple lang ang hiling ko:

  • Kumapal na ulit ang bumbunan ko: that’s correct! as i have mentioned, thinning hair na ako (senyales na tumatanda na talaga tayo) ewan ko kung dahil yun sa stress ng trabaho o baka naman ‘maximum level of plasticity reached’ na ang status ko!
  • Mabawasan na sana ang mga Mapagmagaling, ang Mapanlandi, ang Mapangharot at mga PARROT na tao sa buhay ko! Sobra na to…magiging the grudge na ako sa dami ng sama ng loob ko! pero infairness, nakakakita na ako ng katuparan sa aspetong ito…
  • Masupil na sana ang mga lalakeng masyadong ambiguous ang pagkatao…kung mahal mo ako..ligawan mo na ako! heheh (sana may makabasa nito…at tamaan sya kaagad!)
  • Ang hiling ko para sa bansang Pilipinas: Ma-install-an ng cameras sa loob ng Malacanyang at gawing itong Big Brother house na nakamonitor sa LAHAT ng gagawin ng palasyo partikular na si Little Mrs Philippines…wish ko lang din sana pati ilalim ng tables eh malagyan ng camera dahil maraming bagay ang dumadaan duon (maliban pa sa karaniwang pinapahiran ng kulangot ang underside ng tables..)
  • Pera, Pag-ibig at Tunay na kaligayahan para sa mga taong deserving! To hell with all the people who’s making the world unfair! Sana lamunin kayo ng lupa…pero baka idura din kayo nyan…
  • At para naman sa aking online viewers, bakit ba kayo nagiging invisible at hindi kayo nata-track ng Visitor’s Watch?! lately napupuno na yung unwanted visitors ko ng anonymous viewers ah! at konti lang ang nagcocomment! hmm! andaya! mag-log-in muna kayo bago basahin ang blog ko para marecord yung visit nyo okay! Kahit di na kayo magleave ng comment sa Guest Book! hehe, peace out parin…basta atin-atin lang ang mga post ko ah..hehe!

ayy, parang napaka-demanding ko diba..hehe, pero infairness susulitin ko na ang aking WishList dahil next year pa ulit ako makapagbubuga ng sama ng loob ko sa pobreng cake…

June 14th, 2008 at 6:52 am