…even loneliness exists in paradise…
<

yun na siguro ang pinakamasakit na december sa buhay namin,what was supposed to be a happy holiday turned into a very depressing moment and to think that in a season where everybody else was smiling nandun kami, in front of a white casket containing a fallen foundation of a once strong home.

85NB0002.jpg

December 26 nun, namatay tatay ko. Actually lahat ng kapatid ko umiyak, pati yung pinaka bunso namin na walang kamuang-muang kung saan na napunta yung tatay nyang malaki tyan, palautot at tanggero ummiyak dahil alam nya na hindi na magigising yung nasa loob ng ataul. Pero ako, ako lang siguro yung nakakatawa nun, nakakaharot, nakikipagbiruan pa ako. Tinanong nga ako eh,
“si aweng nakabiro pa ng ganyan o, parang hindi ka namatayan ah! Yang tatay mo talaga, hindi ka pa pinatapos pasko!”

“oo nga eh, sana kahit itong pasko lang na to, tapos sa new year, tapos sa graduation,sa susunod pang araw ng patay, sa susunod na pasko, sana hanggang sa susunod pa”,sabi ko.

Masuwerte ako at naging tatay ko ang tatay ko. Wala na sigurong baklang anak ang magiging maswerte pa. Ilang buwan bago sya pumunta sa better days eh muntik na  akong upakan ng kapatid ko dahil sa kagaguhan ko. Warla talaga yung kapatid ko dahil homophobic sya pero barado sya sa script ng tatay ko: “Ano problema mo eh anak ko yan?” tama. Bakit magagalit sakin kapatid ko, wala syang karapatan.

Kaya ngayong Father’s Day, after 5 years, ngayon ko lang nalaman kung gaano kalaki ang nawala sakin. Nawala sakin yung tatay na nagbibigay baon, yung madungis na tatay na naghahatid sakin sa exclusive school, yung tatay na nagluluto, yung tatay na barako
at tanggero, yung tatay na sikat, kilala, ginagalang di dahil galante syang magpainom kundi dahil marunong syang makisama na walang bahid ng pagiging plastik. Yung tatay na binuhay kami sa kalawang, yung tatay na kelangang uminom muna para masabi ang totoo, yung tatay ko na minsan umasang maging lalake ako.

ngunit sya ay nabigo!

hindi sya nagalit, sinubukan nya akong intindihin. hindi sya nanumbat, bigay lang sya ng bigay.napagod na sya, at nagpahinga sya pero hindi kami ang nagbigay ng ginhawang hindi nya naramdaman sa tanang buhay nya.

kaya sa lalaking tunay na nagmahal sakin,
HAPPY FATHER’S DAY.

June 24th, 2008 at 4:59 am