…even loneliness exists in paradise…
<

                                             

haay, napaka-toxic talaga ng pagiging agent, kung anu-anong calls ang natatanggap mo! merong kabobohan, katangahan at meron ding nagmamagaling at meron pang mas magaling sa’yo (agent ka na nyan ah!) kaines…at kung kelan maganda na ang Quality ko eh tska naman umariba ang Handling Time ko..super layo pa ng certification…darating kaya ako dun?!

Anyways, wala naman talaga akong magagawa, hindi ko naman mapipili ang mga mapupunta sakin….tulad na lang ng mga pasaway na customer! Kapag hindi mo sinunod yung policy, bagsak ka. Pag sinunod mo yung policy, masesermunan ka pa ng customer! Aba! OA! (and i quote, “customer is always right” kuno, aba, nagkamali nga sya eh kaya sya nagpapatulong!, san ang pagiging right dun?!)

At kapag depressed pa naman ako eh napapa-Jollibee ako, at mejo magagandang alaala naman ang naiisip ko, pero lately, napapadalas na ang pagbisita ko at wala nang effect ang orange na mukha ni Jollibee…nako Jollibee! Kung hindi ka lang sana plastic sana natulungan mo na ako! Wala akong pakialam kahit na 100 ang gastos ko tuwing tanghalian! mag wa-123 na lang ako sa bus gumaan lang pakiramdam ko! grabeh…may makabasa kaya nitong offismate ko!?

June 6th, 2008 at 5:07 am