…even loneliness exists in paradise…
<

naiirita na talaga ako! im uber frustrated! bakit ba sila ganyan?! Bakit ba may lahing sinungaling abnormal ang mga lalaking minamahal ko?! hindi ko na alam ang gagawin sa mga bagay-bagay na nangyayari saken ngayon…

syempre san pa ba pupunta itong diskusyon na ito kundi sa gusto kong panget; mark ulit…boring na! puro xa na lang ang bino-blog ko (kaya ba bumaba ang hits ng page ko?) Lately uber dami ng sablay ko kaya lalong nadadagdagan ang mga “what ifs” ko sa buhay…ewan ko kung sablay nga ba dahil sa fault ko o dahil sa ginusto na rin ng tadhanang ganun ang mangyari.

                           

lately, ito ang mga bagay na gumugulo sa madilim kong isipan at bumabagabag sa maitim kong puso:

1. Bakit kelangang maging “insecure” xa?! Bakit ko ito nasabi? wala lang. Actually dahil yon sa binabalita sakin ni Jeff (ang aking kaibigan/karibal) last Friday nung nag-inuman sila..kelangan ba na xa palagi ang object of affection? bakit ganun? nagselos tuloy ako dahil nakayakap si Jeff sa kanya…and that’s because he asked for it, basically.

2. Bakit kelangang maging “selfish” xa?! Nanaman..parang mali ang nagamit kong terminology for this one…anyway, to think na nakipag-shift trade ako sa kanya dahil kelangan nyang pumasok sa night classes nya at nagawa nyang lumiban sa klase para makipag-inuman at hindi man lang ako imbitahan kahit tinext nya ako that night/that moment/that time (although sinabihan na rin naman ako ni Jeff at ng aking Sup Marj) nakaka “left-out” yun no.

3. Bakit ba masyado xang “snobby” saken! Ah, alam ko na kung bakit sya ganito sa akin (as of the moment) dahil snobby rin ako sa kanya! heheh.

4. Bakit ba napaka “sensitive” nya saken?! ewan ko ba, nung nagbibibihis sya sa CR eh kaya naman nyang bihisan sarili nya no, bakit pa ako magpe-presinta?! Ehdi tinignan ko na lang ang kanyang half-naked na katawan at ano ang naramdaman nya? Pagkailang! malamang! pero bakit nung kasama nya si Jeff eh nagawa nyang mag-boxers nalang?! selos ulit.

5. Bakit iban ang “treatment” nya saken!? isa sya sa mga taong kilala kong tumatakbo at nang-iiwan kapag nangangailangan ka. siguro ganun sya saken, at sakin lang sya ganun. Sa iba nanaman ay “napaka understanding at reliable ni mark”. ows?

6. Bakit ba maraming nagkakagusto sa kanya?! Ako mismo hindi ko alam! DESPITE ALL THOSE BAD THINGS HE DID TO ME/ THOSE THINGS I HATE ABOUT HIM NABABALIW PARIN AKO SA KANYA?! (buti nalang at napaka-galing kong magpanggap! talent ko ata yun!) grrr…tska bakit sila ganun, yung mga tao sa paligid namin..Although hindi naman ganun ka-kalat na gusto mahal ko sya  pero kapag humingi ako ng  advice sa  kaibigan katrabaho ko eh sabi nila “kalimutan mo na sya! maghanap ka ng iba” pero pagdating kay Jeff eto advice nila “KONTI NALANG!” hmmm, malamang kailangan kong mag-concede nalang.

no way! ngayon pang hindi kami nagpapansinan (to the point na inalok ni mark ng chips si Mami Jhoy na katabi ko lang at ako ay di man lang bigyan ni isang CRUMB ng chichirya..haaay, napakasakit.) at ayoko rin syang pansisin pero kung alam nya lang…

eto mas masakit…ALAM NGA PALA NYA.

July 12th, 2008 at 8:55 pm